The Battle for Improvement Begins
Ganda ng performance ko strategically.
Mejo tensed pa den nung first two rounds, like gigil tumama at saka ramdam
yung ilang bwan na walang sparring.
First two rounds:
Laglag lang ako ng jabs at straights.
Mejo frustrated dahil nde ko makatama ng solid at saka nde ko
makalaglag ng upper cut sa katawan.
Sabi ko sa sarili ko, nde ko natatalo kasi nde naman den ako natatamaan.
Maganda yung high-guard na depensa ko at saka natatantya ko yung
tamang distansya para nde ako abutin ng suntok nya.
Pero at the same time, nde rin ako makatama ng maayos kasi maganda din
yung depensa nya.
Based on my opinion, pedeng tabla yung first two rounds kasi wala masyadong
effective punches. Pero pede ding iiscore saken slightly kasi mas marami kong jabs
saka mas aggressive ako na sumusugod paminsan-minsan.
Yung style nya this time ay mag-abang na magkamali ako at matamaan ako ng
wala sa tamang posisyon.
Rounds 3, 4 and 5
Sumisigaw yung isang trainer na wag ako puro sa ulo sumuntok.
Tirahin ko din yung katawan. Naisip ko, ginagawa ko naman,
nde ko lang makuha yung timing at distansya para dun.
Pero nung naisip ko na oo nga, kelangan ko din tumama sa katawan nya.
Mas pinilit kong itapon yung uppercut sa bodega.
Sapul sya dun sa kanan ko.
Left jab sa katawan sabay right straight sa ulo.
Magandang kombinasyon kasi dedepensa sya sa baba, pero
mabilis yung follow-up sa taas.
Tapos umuubra den yung jab, habol sabay jab-straight.
Nasa full defensive mode sya most of the time.
Tapos nung nagconnect yung right straight ko one-time.
Naisip ko, ayan na, gaganti na sya.
Pero nde din sya sumugod.
Siguro parte den yung ng effective na jabbing style ko.
AT pede den na napapagod den sya.
Isa pa, handa talaga kong pakawalan yung uppercut sakaling lumapit sya saken.
Bukod dun sa dalawang uppercut na tumama saken sa tyan,
wala kong ibang natanggap na suntok.
Nde ganun ka-exciting yung laban.
Nde masyadong maraming exchanges ang nangyari.
Pero alam ko, I did enough sa jab at straights ko.
Mas marami kong suntok na naitama.
Kumunekta din ng apat o limang beses yung uppercut ko sa katawan nya
tuwing maglalapit kami.
Conclusion:
I've won the match, I think 4 rounds to 1.
Pero marami pa kong pedeng improve:
1. Faster jabs (Straight and ALmost Reaching). Double up.
Nababasa nya yung timing ng jabs ko at nasasangga nya effortlessly.
-> Left Jolt !!!
-> If cannot, just try to partial jab then Boom (Double Up)!
2. Movements to set up the body shots. Masyado kong nawiwili sa jab-straight combo minsan.
Kelangan ko mag-exert ng effort para maging mas aggressive sa pag-atake sa katawan.
-> Bob and Weave
-> Slip and Slide
-> Box in Circles
3. Left hook. Nde pa den ako komportable sa suntok na 'to.
Kelangan ko pa sya improve. at kelangan magkaron ako ng confidence na pakawalan sya.
-> Power Line (Close the Gap!)
4. Defense. Effective yung high-guard. Pero nde ko alam kung ganu na ko kasanay umilag.
As I've said, nde sya naging aggressive sa sparring na 'to. pero di ako kelangan magpabaya.
More practice sa defensive skills.
-> Aggressive Defense
-> Block and Parry
-> Evade and Counter
-> Hands Up and Head Movements
-> Semi-Crouch
5. Last the 6th round. After the 5th round, which I didn't expect na aabot kami ng 5. Alam ko talaga,
4 rounds. break tapos 2 rounds ulet. Tinanggal ko na yung gloves ko. Sabi nya, isa pa. "Ayaw mo na?
Ayaw mo na?." From his voice, gusto pa nya talaga ng isa pang round. Pero nde ko na kaya, I could have
given another round. Pero I'll be a stting duck. Wala na kong lakas para lumaban ng isa pa. Sabi ko,
"Ayaw ko na." Hehehe.
-> Relentless, Never Give him room to breathe
6. Use the Right Hand a lot more. Leads. Straights. Upper Cuts to the head and to the body.
-> Violent yet Controlled Straights and Uppercuts
-> Unforgiving Body Assault
No comments:
Post a Comment