TULOY PO KAYO sa aking munting kastilyo.... WELCOME TO KASTILYONG LAPIS ....

Feb 28, 2011

Training Log: Goals for the Month of March

Farewell February. Meet March.

Sa loob ng unang dalawang buwan ng 2011, masaya akong nakatapos sa unang walong linggo ng aking training. Nde ko pa den masabi na nakabalik na ko sa dating pagtakbo ko. Unang-una dahil hirap at mabigat pa den ang aking katawan. Pangalawa dahil mabagal at nde pa den ganun kalayuan ang aking kayang takbuhin.

Pero kumpara sa kung saan ako nagsimula ngayong taon, marami nang positibong nagbago at kung kaya ko pang ituloy-tuloy ang aking mga nasimulan ay mas mapapalapit pa ako sa mga target goals ko sa buong taon.

Mula sa panimulang 6 na kilometrong pagtakbo, Nakatapos ako ng 16 na kilometro sa buwan ng Pebrero. Mula sa 171 pounds, bumaba na ang aking timbang sa 164.0 pounds. Naitala den ng aking running watch ang pinakamabilis na kilometrong tinakbo ko sa 4:32 minutes. Mas mabilis kesa sa 6 minute per kilometer na pagtakbo nung mga unang araw ng taon.

Time to look forward and set new goals. Mas maayos at magiging mas madali siguro kung merong mga monthly goals. Monthly goals na naka-align den sa mid-year marathon goal ko - ang Milo marathon.

Ngayong Marso, goals ko ang mga sumusunod:
  • Run 21-Kilometers on a Sunday Long Run (Mas mahaba sa 16Km this Feb)
  • Weight down to 160 pounds (Mas mababa pa sa 164.0 this Feb)
  • Log a 4:00 kilometer on a Park Training Run (4:32 minutes fastest this Feb)
Diba? Mas madaling sundin kung nakatala ang mga gusto kong magawa ngayong buwan? Unti-unti lang den at hopefully pagdating ng April, mas magiging madali na ang magtraining para sa marathon.

Bago ko tuluyang magpaalam sa Pebrero, masaya ko munang ise-celebrate ang aking 2000 kilometers na natakbo simula pa noong November 2008. Yehey!

Nitong huling Linggo, in celebration na den ng history ng aking Sunday long runs. Ibinalik ko yung Pandesal Run. Hehe. Tumakbo ako ng tatlong kilometro papuntang bayan ng Silang, bumili ng mainit at bagong lutong pandesal, tumakbo ulit ng apat pang kilometro papuntang bahay nila Nerissa para i-deliver yung pandesal at tumakbo ng 7 kilometro pauwi ng bahay.

Nakalimutan kong bilhan ng palaman yung pandesal. Hehe. Next pandesal run siguro.

Feb 24, 2011

2011 Training Log: Week #8, 12Km Easy Run

Kanina, after ko magboxing ng apat na rounds, nasa 165.8 pounds yung timbang ko. Mamayang gabi, mga 8pm, tatakbo ako ng 12 na kilometro.

Inaasahan kong mas mababa pa yung timbang ko dahil sa fluids na mawawala sa katawan ko sa halos isang oras na takbo. At pati na rin sa energy (calories) na kailangang gamitin ng katawan ko sa takbuhin ko mamaya.

Last week, 168 yung timbang ko bago ko tumakbo ng 12 kilometers. After nung takbo, nasa 165.0 na lang ako. So tonight, expect ko na bababa ako ng 163-164 pounds pagkatapos kong tumakbo. Ang pinakamababang timbang ko so far this year! Hehehe.

Training wise, mas mabagal ako dapat compared sa takbo ko tuwing Martes ng gabi. Mas malayo kasi pag Huwebes. In preparation na den sa Sunday long run. Saka pag Martes, sinusubukan kong haluan ng konting 100m sprint yung bawat 1km loop ko sa Velazquez Park. Unti-unti lang den para unti-unting masanay yung katawan ko sa mabilis na pagtakbo.

Makikita nyo rin ako na kumakanta habang tumatakbo. Praise and worship songs lang den for God, sa patuloy na pagbibigay nya saken ng buhay at lakas.

Minsan nga, kakakanta, nakakalimutan ko na den na malapit na pala ko matapos sa pagtakbo. Mas masaya. Mas magaan talaga tumakbo kapag naeenjoy mo yung panahon mo sa pagtakbo. Enjoy lang. Nde masyadong seryoso na parating nakatutok sa pacing at sa running watch.

Update ko na lang later kung anu nangyari sa 12kilometer ko mamayang gabi. 

Let's hit the road and have some fun.
Takbuhan na!


Updates:
  • Finished 12 Kilometers in 1:04 hours (5:21 min/km)
  • Weighed 164.0 after the training run
 Next Run:
  • Sunday Long Run, 13 Kilometers (Mileage Cut Back Week)

Feb 22, 2011

LuntiRUN



The University of the Philippines Industrial Engineering Club
Asia Brewery
and
Rexona
 invite you to join

LUNTIRUN
Make every route greener

on March 27, 2011
in Filinvest Corporate City, Alabang


Distances and Registration Fees:
  • 1.5km (for 12 years old and below) - P300
  • 3km - P350 
  • 6km - P400 
  • 12km - P45
(RACE KIT includes: Event Singlet, Race bib and stub for 20% off on regular priced New Balance item)

Registration Sites:

UP Students may register at the UP IE Club Tambayan (3rd flr, Melchor Hall)
You may also register online at http://runnersrunner.com/luntirun
Check out their FACEBOOK page at http://facebook.com/luntirun

Other registration sites (Registration is until March 20 only!) :
  • SECONDWIND stores (45 Malingap St. Teachers Village, QC || Ortigas Home Depot, PASIG CITY)
  • NEW BALANCE shops (Festival Mall, Alabang || Shangri-la Plaza); Saturdays and Sundays 
  • BIKE KING PHILIPPINES (Bonifacio High Street) 
  • MJ46 Factory Outlet (Bicutan) 
  • The Village Sports Club (BF Homes ParaƱaque)
This event is for the benefit of the Isko Cleans UP, a project to implement solid waste management in the University of the Philippines – Diliman. For inquiries, contact MIMI LUCAS at 09178158227 or email them at luntirun@gmail.com .

Feb 21, 2011

Unang 10-Miler Run ng 2011

"Run by feel" - eto yung tema ng mga takbo ko ngayong taon.
Kung dati rati, lagi kong pinaiiral ang kagustuhan kong umarangkada at pilitin ang katawan kong rumatsada sa daan..
 
Ngayon, mas nakikiramdam na ko sa kagustuhan ng aking katawan.

Nde na masyado sa Mind over Body na control sa bilis ng aking pananakbo. Mas safe para sa aking katawan na sundin ko lang kung anu yung kaya nya sa ngayon.

Nagsisimula akong tumakbo na may kabagalan. Nasa anim o pitong minuto kada kilometro. Nagpapainit ng katawan. Umaasang magugustuhan nito ang pakiramdam ng pagtakbo, at kung walang mararanasang pananakit, saka lamang ako tatakbo ng may kaunting pagbilis.

Mahirap ang ganitong adjustment. Prone sa pagka-bore, lalu na at nakasanayan ko dati na kumaripas hanggang kaya ng aking baga. Pilit ko na lang na Inaaliw ang aking sarili sa mga tanawin. Sa mga tanim na mga halaman, puno at mga bulaklak sa tabing kalsada. Sa mga kambing, baka at kalabaw. Sa mga motorsiklo at mga bisikletang umaakyat din ng Tagaytay.

Kumakanta rin ako ng papuri at pasasalamat sa Diyos.
Nagpapasalamat na malakas pa den ako at nakakatakbo.

Pag-akyat ko ng uphill sa Pasipit papuntang Silang proper, naninigas at may pangingirot akong naramdaman sa gilid ng aking binti. Mahirap umakyat. Ramdam ko ang pagod. At nde rin ako makatakbo ng mas mabilis sanhi ng sakit sa aking binti.

Sa ikaapat hanggang ikaanim na kilometro, sinubukan ko na lang ang run-walk combination.
Nagpapahinga. Umaasang mawawala yung sakit ng binti.

Just running by feel.

Bukod sa 28 na ako, matagal na den akong hindi nakakatakbo ng malayo. Kaya hinay-hinay lang sa pagtakbo at maingat sa pagtaas ng dami ng kilometrong aking tinatakbo sa bawat linggo.

Sa sumunod na mahigit pitong kilometro ng 16-kilometer long ditance Sunday run, kinaya ko ng bilisan at tumakbo ng tuloy-tuloy. Naramdaman ko na yung pawis, yung gaan ng katawan ko at yung kagustuhan ng aking isipan at katawan na tumakbo sa daan.

Nakuha ko pang makipaglaro sa isang batang lalaki na lumaban ng karera sa takbuhan. Sa loob ng 50 metro, para akong batang nakikipag-sprint laban sa kanya. Pero syempre, nakangiti lang ako at umaarte lang na buong pwersa akong nag-sprint. Hinayaan ko lang na maramadaman nya yung pagod at kusa syang tumigil sa pagtakbo.

Halos abutin ako ng dalawang oras (1:54 hours) sa pagtakbo ng 16 na kilometro. Mabagal na mabagal pa kung tutuusin. Pero gaya ng isang bata, nakangiti akong huminto sa pituan ng aming bahay na hingal na hingal.
 
Pagod na pagod, pero nananatiling masaya at may kagalakan.

Feb 18, 2011

Bawas Timbang

Nasa ika-pitong linggo na ko ng aking pagsasanay para sa susunod na Milo Marathon.

Dahil halos pumalo sa halos 171 pounds ang timbang ko pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, nais ko munang magpa-kondisyon muli. Ibaba ang aking timbang sa 160 ngayong katapusan ng Marso. At saka ko ulit sisimulang magpabilis.

Stamina at endurance muna ulit. Noong unang linggo ng Enero, hingal na hingal akong tapusin yung 6 na kilometro.
 
Ngayong darating na Linggo, susubukan ko ng tumakbo ng 16 na kilometro.
Nakayanan ko na ulit na tumakbo noong nakaraang Linggo ng 14 na kilometro sa loob ng isa at kalahating oras.

Unti-unti, mas malayo na ulit ang aking nararating.
6 na kilometro sa unang linggo.
Tapos pito. Walo sa susunod.
At 10 kilometro naman bago matapos ang Enero.
Ngayong Pebrero, nagsimula ako sa 12 tapos 14 at 16 nga sa darating na Linggo.

Tapos bawas muna sa 13 sa susunod na linggo.
Bago matapos ang Marso, plano kong makatakbo ng 21 kilometro (Half Marathon).

Dahan-dahan na deng bumababa ang aking timbang.
Nitong huling takbo ko, nasa 165 pounds na yung timbang ko.
6 pounds na mas mababa kumpara sa unang araw ng aking pagtakbo ngayong 2011.

Sana tuloy-tuloy na.
Para kita-kita tayo sa susunod na marathon.