TULOY PO KAYO sa aking munting kastilyo.... WELCOME TO KASTILYONG LAPIS ....

Aug 3, 2007

Joke Time

Classic itong isang 'to para saken. FM Radio joke sa bus.

Minsan may isang barakong lalaki, matikas at may katangkaran ang nangailangan ng serbisyo
ng isang dentista. Bakas sa barakong lalaking iyon ang kaba at takot na ipabunot ang isa
sa mga ipin nya. Agad naman itong napansin ng beteranong dentista, isang magandang
dalaga na nasa 26 hanggang 28 taong gulang.
Dentista: Natatakot ka bang magpabunot ng ipin? (nakangiting tanong ng dentista)
Barako: Meeedyo (nanginginig at kabadong sagot ng lalaki)
Dentista: Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng pampatapang (anesthesia).
At kalmadong naturukan ng anesthesia ang lalaki.
"Ngayon, matapang ka na diba?", Nakangiting tanong ng dentista.
Sumagot naman yung barako "Sige, galawin mo ipin ko,
pag hindi ko binasag yang pagmumukha mo." (ang tapang !!!)

No comments:

Post a Comment