TULOY PO KAYO sa aking munting kastilyo.... WELCOME TO KASTILYONG LAPIS ....

Aug 3, 2007

sa bawat araw

kagabi.. sa huling gabi ng tatlong-araw na pahinga..
napag-isip-isip ko na dahil sa mga pangarap ko..
nakakalimutan ko na halos i-appreciate yung bawat araw na dumadaan..

na parang hinihintay ko na lang dumating yung araw
na makukuha ko eto.. at mabibili ko yun..
pero wala yung pagtanggap at pagpapahalaga sa maliit
na detalye ng bawat lumilipas na araw.

naisip ko na.. kung makakamit ko yung pangarap ko.. e di masaya..
pero nde dapat winawalang-bahala yung kasiyahan..
yung kasimplehan.. at karamihan ng mga bagay na pwede kong
mapulot sa isang ordinaryong araw..

maikli lang ang buhay..
kakaunti lang ang mga pangarap ko..
nde naman pwede na maappreciate ko lang yung mga araw
na nakuha ko yung pangarap ko.. o yung gusto kong gawin..

mas simpleng mga kasiyahan.. sa bawat araw..
mas marami.. mas masaya..
mas mapapahalagahan ko yung bawat saglit ng maikling buhay ko..

/=====

nde ito isang ordinaryong araw..
ilang araw na ba ang lumipas sa kasaysayan ng mundo..
na eto ako at buhay.. humihinga.. gumagawa..?
dapat akong magsaya.. ang bawat araw na nandito ako sa mundo..
ay ispesyal..

No comments:

Post a Comment