TULOY PO KAYO sa aking munting kastilyo.... WELCOME TO KASTILYONG LAPIS ....

Mar 28, 2011

Globe 10Km Race - 10th Place


Yehey! I finished 7th on the 10Km Male category and 10th overall. To God be the glory. It was a nice comeback race for me after a 3-month layoff late last year. I luckily ended up on the first page of the overall top 10Km runners.

Looking at the 3.07Km split of the 10Km race, I was actually running close to my training pace. I finished 3.07 kilometers in 12:53 minutes (4:12 minutes per kilometer). At this point, I was the 5th male runner and was a full minute ahead of Mr. Ricardo Jimenez and Mr. Julian Valencia.


Then after the Buendia Kalayaan flyover, I began to feel my lack of Tempo training and was tiring fast at that point. I slipped to 7th place after the 7.66Km (4:33 min/km avg. pace) and 8.5Km (4:34 min/km avg. pace) splits. I finished the 10Km race in 45:52 minutes, at an average pace of 4:36 minutes per kilometer.

Congratulations also to my race buddies Ralph and Aiyan for their successful races as well as Team Alpha One and to all those who ran and enjoyed the race. 

For the race results, click Globe Overall results.

Mar 25, 2011

Ang Pamanhikan Ni Pandesal

Umagang Umaga pa Lang

Nag-alarm ako ng 4am. Tatakbo sana ko ng 21Km para masunod ko yung mga running goals ko this March. Pero nde naman den ako tumakbo. Kulang kasi sa tulog at saka masyadong excited.

Nagising ako, sa pangalawang alarm na. 5:45 am. Pagbangon ko, gising na den ang mga tao sa ground floor. Nagkakape na si Kuya Ramon, yung magkakatay ng baboy. Pinagising na den saken si papa para kunin na yung baboy sa piggery. Kasama na den nila si Athan, kapatid ko, na nagtali ng baboy sa tricycle.

Nagbabalat na den ng bawang sila Ate Minda at Ate Bene sa bahay. Si Ate Bene yung naging available na cook ni mama, kasi busy sila Ate Pele sa binyagan. Ganun din si Kuya Tommy, pagod na den sa pagkatay at pagluto ng baboy dahil nagkaroon sila ng patay sa pamilya.

Pati si Justine, ang isang taong gulang kong pamangkin, gising na. Nilalaro yung kape at tinapay nya. Dadaan pa daw ulit ng palengke sila mama, kasi may mga nalimutang bilhin na rekado, pang-menudo yata. Iniintay ko naman yung mga taga-Pulong Bunga na tutulong sa pagkatay at pagluluto. Malungkot pa nga ako nung pasado na alas-sais at ihahatid na namin yung baboy kela Nerissa, eh nde pa rin dumarating kahit isa sa kanila.

Nagmano ako kay tatay, pati kay nanay pagdating ko sa bahay nila. Hinanap ko na den agad si Nerissa para batiin ng Happy Birthday. Tapos bumalik na kami ulit para sa natitirang kahoy na panggatong sa lulutuing baboy, at para na den sunduin yung mga magkakatay.

Pagbalik namin, wala ng kahoy. Hinakot na daw nung owner-type jeep nung mga taga-Pulong Bunga. Hehe. Masaya na ko, nde den nila ko natiis. Dumating den sila para makitulong. Mas marami na kami ngayon.

Ilan kami nagtulong0tulong simula pa ng umaga? Syempre kumpleto buong pamilya, pati nga si tutuy o Justine kasama. Pito na yun. Si Tatay Edgar, si Kuya Sayong at si Kuya ___, nakalimutan ko, mga taga-Pulong Bunga.  Sumunod den si Tatay Pedie at si Patrick. Yung kumpare ni Papa na si Kuya Rey at si Tiyo Boyet. 17 kami na nagtadtad at nagluto (15 pala kung nde bibilangin sila Justine at Patrick).


Habang Naghahanda ng Pananghalian

Nde naman nakakapagod at nakakagutom pag nararamdaman mo yung kagalakan. Nakakangalay lang tumayo kapag nagluluto na. Masaya den silang magtulungan.. Sabi ko nga, tawa lang ako ng tawa habang nakikinig sa kanila. Puro biruan at tawanan habang kalaban yung matinding sikat ng araw at init ng apoy. Nataga pa nga ni Liza yung daliri nya sa paghihiwa ng sibuyas. Natatawa sa kapalpakan at naiiyak sa sakit. Hehehe.

Nde ko na masyadong nakakamusta ang babaeng ipinamamanhikan ko halos buong umaga. Busy den kasi sa loob ng bahay, sa paglilinis at pag-aasikaso ng mga bisita. Sobrang daming tao. Parang piyesta. Masaya na nakakakaba. Nuon lang ako nakaramdam ng kaba buong araw, kasi akala ko lahat sila makikipulong.

Pagsapit ng alas-dose, nakakaramdam na ko ng gutom. Pero sa sobrang daming tao at sa menudo at hamonado na nde pa naluluto sa mga oras na yun, hindi pa ko makakain. Nde na ko mapakali. Napalitan na yung excitement at pagiging relax..ng kaunting takot at kaba. Bumibilis yung tibok ng puso ko.

Mabuti na lang, madalas den napapasyal si Neriz malapit sa aming pinaggagawaan. Nakakalma ako kahit papaano. O nde na den kasi sya mapakali? Hehehe.

Karaming tao, dinuguan at buto-buto na may ubod ng niyog pa lang ang aming nailuluto. Nakasalang pa lamang ang menudo at hamonado sa dalawang malaking talyasi. Wala ng tatadtarin o gagayatin, inaantok na den sa pagod ang mga katulong namin na kanina pa nga nagsimulang manulungan alas-sais ng umaga.

Gusto ko na den magpalit ng damit. Nahihiya na ko sa hitsura ng sando kong puti na dumudumi na sa pinaghalong pawis at dumi sa pagluluto at pagbabalat ng mga ilalahok sa mga ulam. Napapagod na den ako sa paghahalo at pagtayo sa pagtingin kung maluluto na nga ba agad yung dalawa pang ulam na nakasalang sa malakas na apoy.

Madalas ko pa naman nakikitang itinuturo ako upang makita ng mga bisita. Malamang itinatanong nila kung sino ang lalaking pakakasalan ng kamag-anak nila. Pakiramdam ko sa suot at hitsura ko, mukha na kong pulubi.


Pagkaluto ng mga Ulam

Nang maluto yung menudo at malapit ng maluto ang hamonado bandang magaala-una ng hapon, ginusto ko ng mag-ayos ng sarili at kumain. [Isa sa mga pagkakamali namin dapat naunang iniluto ang menudo kesa sa dinuguan para naihain ito agad saktong alas-dose ng tanghali.] Nasaan na kaya sila lolo at lola. Halos wala pa yung mga kamag-anak namin na inimbita namin para sa pagbubulungan.

Niyaya ko ng kumain si Neriz pagkatapos kong makigamit ng banyo upang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Muli akong nagdasal na patnubayan kami ng Panginoon upang maging maayos at masaya ang pamamanhikan. Ang naunang pagkakataon na hiningi ko ang patnubay sa pamamagitan ng dasal ay pagkatapos ko ding magbihis bago mag alas-sais ng umaga sa aming bahay bago pa kami tumulak upang ihatid ang baboy.

Ngayong luto na ang dinala naming baboy at handa na sa pananghalian ng mga bisita.. Patuloy pa den ang aking pagdarasal. Paghingi ng tulong. Bagaman kinakabahan, mas tumatapang na ako. Anu pa bang aalalahanin namin? Nakaplano na naman ang lahat. Magkasundo naman ang aming mga pamilya. Bagaman wala pa nga ang karamihan sa mga representante ng aming pamilya.

Masaya na kong kumain ng pananghalian kasama si Neriz. Panatag na ang aking loob. Masayang kasama sya.  Nakakangiti na kahit papano.


Nasaan na ang mga Mamanhik?

Pagkatapos kumain.. Pabalik-balik na ko sa may kalsada, mga 50 metro mula sa bahay nila Neriz. Tinetext sila Tita Grace kung pupunta sila. May usapan kasi kaming susunduin nila sila lolo at lola sa Pulong Bunga. Kunwari'y nakikipaglaro ako kay Justine, saan ka'y paulit-ulit na umaasang sa bawat minutong lumilipas ay darating na nga sila lolo. Alam kong kanina pang tanghalian dumating ang mga matatanda sa pamilya ni Nerissa. Makatapos ng pananghalian den ang usapang oras ng opisyal na pamamanhikan.

Alas-dos na ng hapon. Sila Lola Choleng at Lola Oyeng pa lamang ang nakakarating. Nasaan na kaya sila lolo? Anung oras kaya sila makakapunta?


Ang Simula Nang Opisyal na Pamanhikan

Sa pagsisimula ng bulungan, nagharap-harap ang iginagalang na matatanda ng pamilya ni Nerissa at ng aking pamilya. Naroon ang aming mga magulang, at kaming dalawang magkasintahan na itatakdang ikasal na siyang pangunahing dahilan ng aming pagpupulong. Hanggang ngayon, hindi ko pa din maipalaiwanag kung bakit bulungan ang tawag sa ganitong pagtitipon. Ginagamit ko nga ang salitang "pulong" upang bigyang diin ang pagtitipon na may layuning itakda ang aming kasal. Ang salitang "bulong" marahil ang tunay na ugat ng bulungan, at kung bakit ay nde ko pa nga din lubos na nauunawaan.

Sapat na marahil ang "pamanhikan" upang mas madaling maunawaan ang naganap naming pag-uusap.

Nakabilog kaming lahat at magkakaharap na nakaupo. Magkatabi kami at magkahawak sa pabilog na ayos ng mga upuan. Katabi ko sa kaliwa ang aking papa at sa kanya namang kaliwa pabilog ay ang aking lolo Nick, pinsan nilang si Lola Oyeng, ang kapatid ni lolo na si Lola Choleng, ang panganay na kapatid ni mama na si Nanay Cita, at ang aking mama. Sa kaliwa ng aking mama ay ang matatanda naman sa pamilya nila Nerissa. Magkakatabi ang mga kababaihang matanda at sa kanilang kaliwa ay ang grupo naman ng matatandang kalalakihan na kinabibilangan ng panganay na kapatid ng nanay ni Nerissa, si Tatay Pepe. Mga pinsan naman ng nanay ni Nerissa at iba sa mga kalalakihang matanda (isa sa kanila ay magiging ninong namin sa kasal). Pagkatapos sa kanilang kaliwa ay ang tatay ni Nerissa. Ang nanay naman ni Nerissa ay nde na nagawang umupo, nakatayo sya at nakayakap sa kanyang asawa sa buong pulong. Si lola Entang naman ay nasa kaliwa ng tatay ni Nerissa. Pagkatapos ay si Nerissa at ako sa kaliwa ni lola.

Sa pwesto pa lamang ng mga tao sa nagaganap na pulong, may nakikita na akong ideya kung gaano kalagkit at ka-sweet ang magkabilang pamilya. Si papa at si mama ay magkalayo sa malaking bilog na ito. Ganundin sila lolo at lola. Sila tatay at nanay naman ay naroon sa isang upuan. Si nanay nga ay nakaakbay pa sa balikat ni tatay. Hindi lamang sila basta magkasama sa bilog, may pisikal na koneksyon pa silang ipinakikita sa pulong na ito.

Magkahawak kami ng kamay ni Nerissa, pero sa pagtanda namin bilang susunod na mag-asawa, mas gusto kong tularan ang koneksyon at samahan nila nanay at tatay kesa kela papa at mama o kela lolo at lola. Minsan, nde naman ibig sabihin na kung nde sila madalas magkatabi sa upuan o madalas na magkasama ay nde na sila madalas magkasundo. Pero mas madalas mas nararamdaman ko yung pagmamahal ng mag-asawa sa isa't-isa kapag nakikita ko silang magkatabi o magkahawak ng kamay. Ganito pa den ang nararamdaman kong inggit sa tuwing makakakita ng dalawang matanda, mga lolo at lola na, ngunit magkahawak pa den ng kamay sa pamamasyal o pagtawid ng kalsada.

Actions speaks louder than words ika nga. At pagsasama pa lamang nila nanay at tatay sa nagaganap na pulong, may mga payo na akong natututunan hindi pa man sila nagbibitiw ng anumang salita. (Muli, nde ko sinasabing hindi mahusay ang buhay mag-asawa nila papa at mama o nila lolo at lola, mas nararamdaman ko lamang ang pagmamahalan at pagdadamayan nila nanay at tatay sa mga sandaling ito na ipinamamanhik namin na makasal sa akin ang panganay nilang anak.)


Sabado Bago ang Pamanhikan

Sabado ng hapon, namitas na kami ng papaya at sayote sa bukid ni lolo. Nanghingi na din kami ng dalawang ubod ng niyog na ilalahok sa kakatayin naming baboy. Nagyakag na den kaming muli sa aming mga kamag-anak upang tulungan kami sa paghahanda sa pagsikat pa lamang ng araw kinabukasan.

Pagsapit ng hapon, namalengke na ang mama ko ng mga ilalahok sa mga lulutuin para sa pamanhikan sa araw ng bukas. Nagtungo naman ako sa bahay nila Nerissa upang dumalaw, mangumusta at muling pag-usapan ang mga detalye pa ng mga magaganap na pamanhikan. Anung oras kami darating upang dalhin at katayin ang baboy? Anung oras darating ang mga matatanda ng bawat pamilya? Anung oras pag-uusapan ang kasalan? Anung mga lulutuin? Kumpleto na ba ang kahoy na gagamitin? Ang kalan? Ang mga talyasi at mga kaldero? Ang katayang mesa? Ang mga kutsilyo, itak at sangkalan? At kung anu-ano pa.

Umuwi ako ng bahay pagdating ng 9pm. Nag-usap kami ng mama ko bago ako matulog. Kung anung oras kukunin yung baboy sa piggery, kung sinu-sino yung mga makakasama. Pinakwento ko rin sa kanya kung papano namanhikan si papa sa kanila.

Ang tradisyon daw talaga, kapag nagtapat na yung lalaki sa mga magulang ng babae, kasunod na nun ang pamanhikan. Nung nagtapat si papa kay lolo, hudyat na yun ng pagsisimula ng nais nilang makasal. Pero ayaw daw ni lolo kay papa nung simula. Nilayasan nga daw nya si papa pagkasabi ni papa ng pagnanais nyang mapakasalan ang mama.

Nagsumbong daw si lolo sa mga kapatid nito na ayaw nya kay papa at doon muna sa kanila magpapalipas ng araw (magtatago?). Nang malaman naman ni Nanang Teray (kapitbahay at kamag-anak nila lolo) ang nangyari, pinayuhan nito si papa na sunduin na ang kanyang mga magulang at saka magbalik para pag-usapan ang kasal sa isang pormal na pamanhikan. Si Lola Teray na daw ang bahalang makipag-usap kela lolo at sya na rin ang tatayong tagapamagitan sa dalawang pamilya.

Pagdating nila papa at nila Lolo Ising at Lola Loreto (mga magulang ni papa) sa bahay nila mama, nagsimula na nga ang pag-uusap sa mangyayaring kasalan. Ayaw pumayag nila lolo Nick at lola Entang sa buwang ng Nobyembre, buwan daw ito ng mga patay (Nov 1, Araw ng mga Patay). Nung minungkahi naman ang buwan ng Disyembre, nde naman pumayag ang kampo nila lola Loreto dahil magtatapos na daw ang taon sa buwang ito (pamahiin na nde magandang magpakasal kung kailan patapos na ang taon).

Sabi na lang ni Lola Teray, "Ay siya, kung nde kayo magkasundo sa Nobyembre at Disyembre, tingnan naten ang unang Linggo ng Enero, doon na lang kayo magpakasal."

Nakaupo daw sila mama at papa sa isang tabi at natatawa sa pagtatalo ng mga matatanda na tila nde magkasundo.

Madaling araw na kami natapos magkwentuhan ni mama. Late na den ako nakatulog kakaisip at sa sobrang pananabik sa susunod na mga oras ng panibagong araw.. ang aming sariling version ng pamamanhikan.


Balik sa Loob ng Bahay, sa Nagaganap na Pulong 
--- Mula sa Isang Liham ko kay Nerissa

Mula dun sa pwesto naten na magkakaharap. Nagsalita na yung mga matatandang kalalakihan sa partido mo. O! Anu bang meron? Anung pag-uusapan naten? Tapos katahimikan.. Tapos wala pa den nagsasalita.

Kaya naisipan kong magsimula sa pagpapakilanlan. Isang pagbati ng magandang hapon sa lahat pagkatapos isa-isang ipinakilala ko yung miyembro ng pamilya namin. Ang lola at ang lolo. Sila papa at mama at ang iba pa naming mga kasama. Ganun din ikaw. Ipinakilala mo si tatay at si nanay at silang lahat. Anu nga ulit mga  pangalan nila? Hehe. Tama nga si nanay, dapat ipinakilala den kita sa kanila, sa miyembro ng partido ng pamilya ko.

Sumunod na pinag-usapan kung saan at kailan tayo ikakasal. Ang bilis nu? Direct to the point. Wala ng liguy-ligoy pa.

Itinanong saten ni Tatay Pepe kung saan tayo papakasal. Sabi ko, meron tayong dalawang options.. Ang Unida Church sa Silang at ang main branch ng Church of God (CoG) sa Dasma. Itinanong nila yung religion ko, pero wala naman den tumutol sa lugar ng kasalan. Akala ko doon magtatagal at posibleng magkadebate ang dalawang partidos. Karamihan sa amin Born Again, sa inyo naman Catholic. Pero pareho naman kasi tayong Born Again kaya hinayaan na lang nila tayong magpakasal sa gusto nateng simbahan.

Aayusin at Iischedule pa naten yung simbahan, pero wala naman problema sa kanila. Sumunod, anung petsa? Sabi ni Tatay Pepe, Kelan ninyo balak magpakasal? Pagkasabi ko ng petsa, nagkahanapan na ng kalendaryo. Kalendaryong tagalog daw ni Honorio Lopez, pero Chinese Calendar yung meron. Year of the Rabbit. Hehehe. Pero meron naman den nakitang kalendaryo na nagpapakita ng hugis ng buwan sa bawat araw ng taon.

Pinapapili tayo ng matatanda sa October 15 at October 17. Mukhang nde kagandahan yung hugis ng buwan sa October 9. Meron daw buwang pabilog at palusaw.. Nde daw maganda magpakasal sa palusaw. Dapat palitaw. Hehehe. Meron pang ganun.

Buti nagmungkahi na den sila Lola Chileng at Nanay Cita na wala namang masamang araw na ginawa ang Diyos. Sa madaling sabi, tayo pa den ang pinagpasiya kung anung araw naten gusto. Maganda den na Linggo gaganapin para makarating yung mga bisita nateng nag-oopisina.

Dun lang nagtagal ang usapan. Sa paghahanap ng Kalendaryong Tagalog at sa paghahanap ng buwang palitaw. Tapos usapang ninong at ninang naman. Sabi nila ulit, tayo na daw ang bahala sa mga nagugustuhan naten. Pero sabi ni nanay, gusto nyang kunin yung isa sa mga matatandang lalaki na nanduon sa partido nyo sa pulong. Anu nga ang pangalan nun hon? Yung isa sa kanilang lahat? Hehe.

Si lola naman, ibinulong na gusto nyang kunin kong ninang yung kamag-anak namin na may-ari ng isang restaurant sa Tagaytay. Galante daw kasi at milyonarya. Si lola talaga!!! Payo naman ni Lola Choleng, tayo daw ang mamili ng mga ninong at ninang naten bukod sa mga napili ng bawat isa sa mga nakatatanda sa pamilya. Para daw nde naten sila sisihin pagdating ng panahon. Bakit sisihin? Nawawalang mga ninong sa araw ng kasal? Nde nagpapayo o tumutulong? Madamot? Hehehe.

Pero syempre, malaki den ang responsibilidad ng mga ninong at ninang sa kasal. Sakaling magkaroon ng gusto at problema, sila yung maari nateng takbuhan at hingan ng tulong.

Anu pa? Wala na. Tapos na ang usapan. Ganun lang kadali. Nde na nga nila tinanong kung ilang anak ang balak naten. Kung saan tayo titira. At iba pa.

Natira lamang yung karamihan sa partido ng aking pamilya upang mag-iwan ng ilang mga payo. Sabi ni lolo, malalaki na daw tayo at alam na naten ang magaling sa masama. Sabi ni lola Choleng, iho, iha.. Alamin ninyo yung ayaw ng kapartner ninyo. At iyung ayaw nilang ginagawa mo, wag mong gagawin para nde kayo nag-aaway. Tama ba?

Tapos isa-isa na silang nawala. Hawak ko pa din ang kamay mo. Masayang-masaya sa naitakdang kasalan. Pagdating ng hapon, yakap at ramdam na ramdam ko pa den ang kasiyahan ng buong araw. Oo, nakakapagod, nakakakaba at nakakagutom ang ganitong okasyon. Pero kapiling at kayakap ka, napakasaya. Wala lahat ng pagod. Punung-puno ng pag-asa sa mga susunod na masasayang araw na magkasama na tayong dalawa.

Mar 18, 2011

Week #11: A Discovery of the Obvious

Dividing the Distance

I have set my eyes on the upcoming Globe 10 kilometer race. My childlike passion and desire to run as quick and as fast I could always wants and pushes my feet to go beat the clock. Last night's run was not an exemption.

After a 2-kilometer warm up run, this childlike passion took over. I sprinted, testing the limits of my still bulky overweight body. My 1-kilometer loop forms the number '8'. There a lot of corners dividing the loop into 100 and 200-meter segments. I tried to run these little segments in different running paces. A fast 200m, a recovery 100m, a faster-than-recovery 100m, a sprint on the next 200m, another recovery 100m, another fast 200m and then lastly, a race to the finish 100m.

On the first attempt to beat the clock, I stopped the timer at 3:43 minutes. The problem is, I had dug too deep into my oxygen reservoir and left absolutely nothing to continue on the next kilometer.

Discovering the Obvious

I decided to run the next loop on easy pace. I acknowledged what I have done wrong. My lungs have their limits. Somehow, someway, I must be able to find the pace to not deplete my oxygen tank. Just keep it busy but not reaching their limits.   

Then I tried another fast loop. My initial target for this kilometer is 4:10 minutes. On my mind, that is the same exact pace I want to run the Globe race so as to beat my 43:49 personal best on 10 kilometers.

Breathing deep at the start of the loop, I charged like a race horse. This time, a bit more controlled on my fast pace. Controlled, meaning, I must be aware of how I am breathing at the pace. If I'm panting heavily, I must slow down. If I'm breathing too comfortably, I can speed up. The aim is to keep the lungs busy but not tired. Keep my breathing in a fast-enough rhythm.

Good enough, I finished that fast lap in exactly 4:00 minutes. That's it. I found a hint as to what my race pace would be. I began to be a lot more excited. Like a torch burning brightly, my hopes for a fast 10kilometer race became alive. It is possible! I think I just have found a key element on my running pace.

I have blogged about the importance of STRIDES. To run fast, I must increase the frequency of my strides. I also know how arm SWINGS help me to run faster. My arms can force my tiring legs to move and follow the swings. Lastly, to help me focus and stay on my target pace, I try to divide the distance into smaller SEGMENTS. Just get to run the small 100 or 200meter segment. Do not think of the 1-kilometer as a chunk. Or the 5kilometer race or the 10kilometer race. Just focus on the small segments and run it according to plan. And then the next small segment. And then the next one. If I run the small segments according to my target pace, then I would have meet my target kilometer pace. Then If I could continue to run the next small segments, the next kilometer would also meet my target pace. Until I complete the entire distance / race.

Those are my simple elements of running fast. They all starts with the S, and should be easy to remember. Strides, Swings and Segments. Last night, I found that to sustain my pace.. I also need to breathe! How could I miss that?

I want to be fast, I don't want to crash.

Remember the 3:43, that was my best lap of the year. And then what? I can no longer follow it up on the next lap. I needed to breathe. When I go fast and beyond my oxygen threshold, I borrow oxygen from my blood equating to an oxygen debt. If I continue to be in this state, I would crash soon. The gas tank is not unlimited.

To resolve this problem, I tried breathing as fast as I could stride. Shallow fast breathing in sync with my arms and feet. I can go fast longer because I am not in an oxygen-debt state. I am breathing fast to support my oxygen need. The faster I go, the faster I breathe but shallow. During segments of recovery, I breathe slower but deep.

As already stated, I was able to run a comfortable 4:00 minutes on my 5th lap before I commenced with another easy lap. After 7 laps, I thought I am ready to put this new strategy to the test.

Strides, Segments, Swings, Breathe!

Going into the 8th, 9th and 10th kilometers of this training run, my childlike passion seems to wane. I felt my legs, particularly my calves, tightening and tiring. It's as if they are commanding me to just slow down and finish the run lackadaisically.

This time, the adult calculating experimental spirit within me came out to life. I only have a few runs left to test this breathing rhythm. I must tolerate fatigue, test my focus and desire. If I train my spirit to go out fighting, then I can only reap the benefits during race day. I must persevere.

After hitting the lap button on my Timex, I started to run the 8th lap. Fast but not exceeding the capacity of my lungs. Breathe faster! Stride frequently. Swing those arms freely and forget about the next few kilometers, just focus on the current segment. I was too happy inside. The experiment is working and is yielding good results.

I used to think that I needed to go back to 140-145 pounds before I can go back to my previous race pace. I am too heavy at 160, I cannot run as fast yet. My legs just can't carry me fast for long. The extra weight slows me down. Etc, etc.

Yet, here I was running 1:54 minutes on the halfway mark of the first kilometer of my experimental Tempo pace. This is fun!

3 Kilometers Under 12:30 Minutes

I cannot afford to lose focus though. I need to run the next segments according to plan. Swing, Stride.. Keep breathing relative to my speed. I hit the lap button registering 4:00 minutes flat on the first kilometer of the experiment.

Then I went on, repeating the mantra inside my head.. My Speed depends on my Strides, Swings and Segments.. And breathing! I took control of my pace, quick but sustainable. I was praying for strength and guidance. If it is just me, I would have stopped and go back to easy pace knowing I have basically tested what I wanted to achieve. But with an extra guidance, I wanted more. I wanted to fully utilize what I had. So I just keep on running.

I hit the lap button but did not look at the split time. I ran the third lap according to feel. Quick but within the limits of my lungs. I was tiring fast too. It is already my 10th kilometer, my singlet is all too wet and the sweat overflows on my arms and forehead. Yet I must focus and persevere. I only have a few training runs left before the 10Km race. I need to learn as quick as possible.

I was quick but not sprinting. That's my target pace for a sustainable fast run. I hit the lap button on my third and final fast pace of the training run. Two more easy loops followed and I completed the target 12kilometer training run.

Happily, before the static stretching to conclude last night's training.. I gazed at those 3 fast laps.. 4:00, 4:10 and 4:17.. It took me 11 training weeks, but it's all very rewarding. I look forward to consistently running at this sustainable fast pace for the following weeks and months. My adventure has just begun.

Mar 11, 2011

2011 Training Log: Week 10 Runs and Rants

o Monthly Milestones. I got a 3:53 kilometer lap from last Tuesday's 10Km run. I have three goals (weight 160, speed 4:00 on a kilometer split, mileage 21 kilometer long run). One goal down!

o After that 1 kilometer best, I think I recorded one my worsts this month, 7:15 minutes. I was just so tired sprinting for a best lap I almost left nothing on my gas tank on the next one.

o 161.0 pounds. Yehey! I am just 1 pound away from my monthly goal and more importantly, 10 pounds lighter than when the year turned 2011. One pound down per training week.

o I plan to race the Globe Run for Home 2011. I registered on the 10Km. I love to be back on the podium much like my 3rd place finish from last year (43 minutes). It will be very difficult but I will try.

o A bit of personal history, I ran Globe 2009 10Km in 53 minutes. Globe 10Km 2010 edition in 43 minutes. Realistically, I may be able to complete the 10Km 2011 edition in 63 minutes. Hehehe.

o I am loving the 3x a week running schedule. It helps me rests my legs for the succeeding training runs. Whereas last year, running 4-5 times a week forces me to run on tired legs on the succeeding training run. As a nice benefit, I am able to run stronger and better each time this year (so far). And I think I am less prone to those knee, foot and leg injuries. (Still inconclusive as I was running up to 42 kilometers last year, this year I have yet to run 21 kilometers.)

o Will I follow the same training schedule for the marathon? I don't know. I might. I might not. Mileage must go up for the marathon training and 3x a week might not suffice.

o Formal marathon training starts this April. Do I say Yehey? For yet another exciting marathon journey. Or do I say Yikes? For yet another grueling running schedule. (Not to mention more running expenses and more blisters and more chafing possibilities).

o I just joined a running team: http://fitfastandstrong.wordpress.com/2011/03/05/first-flight-pdi-5man-relay/ We also have a Facebook page. (Will try to post it later.)

o "Alpha 1" sounds elite. And it looks like the team is composed of fun people. I look forward to meeting and running with you guys! Thanks Bryan for the recruit. I want my Alpha 1 singlet already!


o Sunday Long Runs to Tagaytay. This Sunday morning, I will be up to 17Km, and then 21Km on the following Sunday. The 10% increase rule says I should not go from 17 to 21. Right?

o But I will be running Globe on the 27th. So I have to be flexible, the 17, 19, 21Km schedule just went down the drain.

o I will just have to cut off a few kilometers on my weekday runs (now 22km) to make sure I do not exceed the 10% Rule on the weekly mileage. I will run 39 kilometers this week and then just 41 kilometers on the next one. (20km on weekdays + 21km on the Sunday).

o I may need to go back to strength/weight training. Just to make sure my legs are strong enough to tackle longer runs and higher mileage in preparation for the marathon.

o Next up, April and 2nd Quarterly running goals (marathon preparation, down to 150 pounds, 3:30 fastest kilometer). But let's not get too far ahead of ourselves. March goals are almost in the bag but it ain't over till it's over. Little by little we should go. (Darating den tayo jan.)

o Thank you Lord Jesus for a happy life, good health and a fine wife-to-be.

 

Mar 3, 2011

Globe Run for Home 2011 - Run it Your Way

And they're back...

One of the most innovative, if not the most innovative, race event in the Philippines is back. From the Champion Chip in 2009, to the 100% PET bottle-made singlets in 2010 (plus being the first to stage a race event in the Makati business district), Globe now offers the participating runners to choose which foundation or institution will benefit from their own wallets.

The beneficiaries:
  1. Gawad Kalinga - building communities with a culture of caring and sharing. They aim to end poverty for 5 million families by 2024.
  2. Habitat for Humanity - the recipient of the last two Globe runs, Habitat for Humanity will spend your money to build houses for our public school teachers.
  3. Haribon Foundation - dedicated to the conservation of our natural resources.
  4. Virlanie Foundation - they aim to bring the smile back to our street children by providing home, education and the opportunity to become responsible and self-sufficient contributors to the society.
P50.00 of your registration fee, regardless of distance category, will be donated to your chosen beneficiary.

D-Tag will be used to track your time throughout the race. D-Tag is an electroic tag attached to your shoe (instructions on how to use it is included in the race kit) that records the time at which you cross the start line, the finish line and several split times in between.

Let your friends and family track your whereabouts on the race

Another good feature of this Globe race is that you can have your family and friends know where exactly in the race you are right on your Facebook Wall. Right! You just install an application to help the tracking system display and post your whereabouts on your Facebook Wall. Once this is done, it will update your race status and finish times on real time while you are out there running.

Run through Makati CBD!

Participating runners on the 15 and 21 kilometer races will also get their chance to run through the central business district of Makati. From the Bonifacio Global City which starts from the 7th Avenue, runners will run over the Buendia flyover to Makati.

There they will run across the popular streets of Paseo de Roxas, Makati Avenue and Ayala Avenue. 21Km runners will go all the way to Gil Puyat Avenue towards Pasong Tamo and the train railway before they make a U-turn back to The Fort.

Ease of Registration

To my delight, registration on a race event has never been this easy. I went to Greenbelt 3 Cinema Lobby last Wednesday night to register for the 10Km race. Manned with several competent and friendly crews, the registration was smooth and highly organized.

I get to a computer portal to type and provide my personal details and race category, print it on a printer nearby, pay on the cashier station, get my receipt and present it to the fitting area for my singlet.

All I have to do now is train for my race. (Now it becomes a little more complicated. Haha.)

Categories, Fees and Discounts
  • 3 Km, P650, Race starts at 6:00 am
  • 5 Km, P750, Race starts at 5:45 am
  • 10 Km, P850, Race starts at 5:30 am
  • 15 Km, P950, Race starts at 5:15 am
  • 21 Km, P1050, Race starts at 5:00 am
For running friends and families, a group registration of 5 people for the same race distance category, the 5th runner gets to register for FREE! Registration has already started and ends on March 20, exactly one week before the actual race event starts on March 27.


More Info

Visit the Globe Run for Home 2011 website.